Guidelines para sa mga consumer na bumibili ng karne sa online, inilabas na ng NMIS

Inilabas na ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang guidelines para sa mga consumer na bumibili ng karne sa online.

Kasunod ito ng mga ulat na ibinebentang karne na kontaminado.

Inabisuhan ng NMIS ang mga mamimili na bumili lamang sa mga lisensyadong supplier.


Bukod pa rito, pinayuhan din ang publiko na alamin ang travel time mula sa physical store hanggang sa kanilang tahanan.

Batay sa NMIS, hindi dapat lumagpas sa dalawang oras ang delivery time upang hindi makontamina.

Facebook Comments