Guidelines para sa nalalapit na Bar exam, inilabas ng Korte Suprema

Hindi na kinakailangan na magpakita ng negative RT-PCR o Antigen test results ang mga kukuha ng 2023 Bar Examinations ngayong Setyembre.

Sa inilabas na bagong guidelines ng Office of the 2023 Bar Chairperson, inalis na ang dating patakaran na pagsusumite ng negative COVID tests at sa halip, hinikayat ang mga examinees na magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Associate Justice Ramon Paul Hernando na siyang 2023 Bar Chair, inilabas nila ang bagong set ng Guidelines and Rules of Conduct para matiyak ang maayos at hassle-free na pagdaraos ng Bar exams.


Sinabi pa ni Hernando na ang Bar Examinations ay hindi lamang pagsusulit para makapasok sa propesyon kundi isa ring court proceeding.

Dahil dito, anumang paglabag sa panahon ng Bar Examinations ay ituturing na contempt of court.

Ipagbabawal pa rin ang tradisyon noon na salubong at iba pang pagtitipon para sa mga kumukuha ng Bar.

Ito’y para maiwasan ang kaguluhan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa araw ng pagsusulit kung saan hangad ng SC na matapos ito ng walang problema.

Facebook Comments