Guidelines para sa ‘new normal’ para sa 2022 elections, ilalabas ng Comelec bago mag-Oktubre

Ilalabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang ‘new normal guidelines’ para sa 2022 elections bago ang buwan ng Oktubre

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, sinisimulan na ng poll body ang pagbuo ng alituntunin sa pagsasaayos sa proseso ng halalan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kabilang aniya sa kailangang i-a-adjust ay ang pagsasagawa ng election campaigns, presidential debates at proseso ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).


Una nang inihayag ng COMELEC na babaguhin ang mga patakaran at regulasyon sa kampanya para sa national at local elections dahil sa pandemya pero itutuloy pa rin ang 2022 presidential debates.

Facebook Comments