Guidelines para sa pagbabalik operasyon ng provincial buses, ilalabas ng LTFRB ngayong linggo

16049

Posibleng ilabas na ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) ngayong linggo ang guidelines para sa pagbabalik operasyon ng mga provincial bus.


Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Artemio Tuazon Jr., hindi bibiglain at uunti-untiin lamang ang pagbabalik ng biyahe ng mga provincial bus.

Sa ngayon, tanging ang mga tren, jeepney, mga taxi, TNVS, UV express, tricycle, shuttle services at mga point-to-point buses lamang ang pinayagang makabiyahe ng pamahalaan sa Metro Manila.

Una nang itinigil ang operasyon ng pagbiyahe ng mga provincial bus dahil sa COVID-19 lockdown.

Facebook Comments