Guidelines para sa paglalabas ng pondo ng PAGCOR para sa Universal Health Care, isinasapinal na – Palasyo

Isinasapinal na ang guidelines sa paggamit ng pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa Universal Health Care program.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inihahanda ng Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang guidelines.

Sa ilalim ng UHC, 50% ng national government’s share ay mula sa kita ng PAGCOR at 40% sa charity fund, net of documentary stamp tax payments at mandatory contributions sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).


Ang UHC law ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Pebrero 2019 na siyang magbibigay sa lahat ng mga Pilipino ng patas na access sa dekalidad at abot-kayang health care services.

Facebook Comments