Ngayong papalapit na ang Christmas season, muling ipinaalala ng Bureau of Customs (BOC) ang guidelines sa pagpapadala ng Balikbayan boxes sa Pilipinas.
Ayon sa BOC, ang qualified Filipinos while abroad (QFWA) ay maaaring i-avail ang duty at tax-free privilege sa ilalim ng Section 800 (g) ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act 2016.
Nakasaad sa batas na ang pagpapadala ng balikbayan boxes ng QFWA sa kanilang mga pamilya at kaanak ay ma-e-exempt sa pagbabayad ng duties at taxes ng hanggang tatlong beses at mayroong kabuuang freight on board o free carrier arrangement na nagkakahalagang hindi lalagpas sa ₱150,000 sa isang calendar year.
Sakop ng QFWA ay mga Overseas Filipino Workers (OFW) na mayroong valid passports na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) at sertipikado ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa overseas employment.
Kabilang din ang mga Pilipinong nasa ilalim ng job contracts na hindi nangangailangan ng certification, non-resident Filipinos na mayroong permandent residency abroad pero nananatili sa Filipino citizenship, mga resident Filipino citizens na may hawak na student visa, investor’s visa, tourist visa at iba pang visa na nagpapahintulot sa kanilang pansamantalang pananatili abroad.
“To avail (themselves) of this privilege, the Bureau also reminds Filipinos that balikbayan boxes should contain only personal and household effects such as wearing apparel, personal adornment, gadgets, and toiletries to qualify for the tax exemption. Goods which are in commercial quantities and those intended for sale, hire, or barter, are not covered by the duty- and tax-free privilege,” ayon sa BOC.
Ang QFWA o ang magpapadala ay kailangang magsumite ng accomplished information sheet, photocopy ng biographical page ng passport o iba pang IDs kung saan ipinapakita ang citizenship at invoice o resibo sa isang international forwarder o consolidator.
Ang international forwarder o consolidator ang magpapasa ng lahat ng dokumento sa BOC at Philippine forwarder o deconsolidator.
Bilang bahagi ng transparency campaign at ease of doing business, ang Parcel at Balikbayan Tracking System ay inilunsad noong October 2019 bilang madaling paraan sa pagtunton ng mga padala.