Guidelines sa booster shot ng mga senior citizen at may comorbidity, inihahanda na

Isinasapinal na ng mga eksperto ang mga panuntunan para sa pagbibigay ng booster shots sa mga senior citizen at mga may comorbidity.

Ayon kay Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Technical Advisory Group ng Department of Health, inaasahang mailalabas ang nasabing guidelines sa susunod na linggo.

Aniya, posible kasing iba ang polisiya ng pagtuturok ng booster shot sa healthcare workers kumpara sa mga A1 at A3 priority group.


Maliban dito, sinabi ni Salvana na inoobserbahan din nila kung ilan ang mga magkakaroon ng reaksyon at kung mayroon pa mga karagdagang safety issues na kailangan ikonsidera sa pagbibigay ng booster shot.

Facebook Comments