Guidelines sa international arriving passengers, muling nirebisa ng IATF

Muling nirebisa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang guidelines hinggil sa international arriving passengers epektibo simula bukas, October 14, 2021.

Ayon kay Presidential Secretary Harry Roque ang mga fully vaccinated foreign nationals ay kinakailangang magkaroon ng negatibong RT-PCR test 72 hours bago ang nakatakda nilang pag-alis sa bansang kanilang pagmumulan.

Pagdating dito sa Pilipinas, hindi na kailangan o hindi na required ang facility-based quarantine pero kinakailangan nitong mag-self-monitor para sa alinmang sintomas hanggang 14th day.


Samantala, ang mga fully vaccinated Filipinos naman ay maaaring mamili na manatili sa facility-based quarantine hanggang mailabas ang negatibong RT-PCR result o no facility-based quarantine basta’t mayron silang maipresentang negative RT-PCR result 72 hrs bago ang pagdating nila dito sa bansa at kinakailangan na lamang na mag-self-monitor hanggang 14 days.

Para naman sa mga unvaccinated, partially vaccinated, o mga indibidwal na hindi maberipika ang vaccination status ay kinakailangan paring sumailalim sa facility-based quarantine hanggang mailabas ang resulta ng kanilang negative RT-PCR test.

Sa unvaccinated, partially vaccinated, o foreign nationals na hindi maberipika ang vaccination status kinakailangan nilang magpa-rebook ng hotel acommodation sa loob ng 6 na araw.

Gagamitin namang pag-validate ng vaccination status ang VaxCertPH, Bureau of Quarantine (BOQ) / World Health Organization (WHO) – issued International Certificate of Vaccination.

Facebook Comments