Guidelines sa mga lumalabag sa health at quarantine regulations, nilagdaan na ni DOJ Sec. Guevarra

23

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na pinirmahan na niya ang Joint Memorandum Circular (JMC) kaugnay ng guidelines sa paghuli at pag-iimbestiga sa mga lumalabag sa health at quarantine regulations.

Ayon kay Guevarra, ang naturang JMC ay nakatakda ring lagdaan nina Department of the Interior and the Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar.


Sinabi ni Sec. Guevarra na kapag nalagdaan na nina Año at Eleazar ang JMC, agad aniya nilang sisimulan ang pagtalakay dito.

Sa Lunes aniya ang target nilang magpulong matapos ang signing nina Año at Eleazar.

Facebook Comments