Isinasapinal ng Commission on Elections (Comelec) ang guidelines kung paano pangangasiwaan ang mga reklamo hinggil sa vote buying.
Ito ay kasunod ng paglulunsad ng poll body ng task force kontra bigay, katuwang ang law enforcement agencies.
Para umusad ang kaso, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez – dapat magkaroon ng sinumpaang salaysay ang complainant.
Kapag inihain na aniya ang kaso, sisilipin ng Comelec ang mga ebidensya.
Sa oras na makuha ang documentation, ang complaint ay isasangguni sa task force.
Facebook Comments