Isinasapinal na ng Civil Service Commission (CSC) ang mga patakaran para sa COVID-19 vaccination sa mga empleyado ng gobyerno.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada na may nakatakda silang dalawang pulong sa loob ng linggong ito para talakayin ang usapin.
May nagsusulong na gawing mandatory na ang pagbabakuna sa mga kawani ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan kasi ay boluntaryo lamang ang pagbabakuna bagama’t limitado na lamang ang kilos ng mga unvaccinated.
Tinatayang nasa 1.67 milyon ang bilang ng mga empleyado ng gobyerno sa buong bansa.
Facebook Comments