Guidelines sa pagbabalik ng deployment sa Taiwan, binabalangkas na ng POEA

Binabalangkas na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagbabalik sa deployment sa Taiwan sa Pebrero 15.

Sinabi ito ni POEA deputy administrator Bong Plan kung saan pinoproseso na ang pagdeploy ng aabot sa 5,000 empleyado na pupuntang Taiwan.

Unti-unti na rin kasi aniya tumataas ang deployment mula 2021 ngunit mas mababa pa rin kumpara sa pre-pandemic period.


Dahil dito, mas maraming oportunidad ang nagbukas sa mga Pilipino buhat ng pandemya lalo na para sa mga nurses, truck drivers at maging sa Information Technology sector.

Facebook Comments