Guidelines sa pagbabalik ng face-to-face classes sa mga lugar na mayroong mababang kaso ng COVID-19, inilabas na ng CHED at DOH

Photo Courtesy: Commission on Higher Education(CHED)

Naglabas na ng guidelines ang Commission on Higher Education (CHED) at Department of Health (DOH) kaugnay sa muling pagbabalik ng face-to-face classes sa mga lugar na mayroong mababang kaso ng COVID-19.

Batay sa Joint Memorandum Circular No. 2021-001, ang paaralang ito ay kailangang nasa lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) na may iniaalok na kurso tulad ng;

• Medicine
• Nursing
• Medical Technology
• Medical Laboratory Science
• Physical Therapy
• Midwifery
• Public Health


Limitado naman ang mga mag-aaral na makakalahok sa pagbabalik ng face-to-face classes dahil hindi pa rin papayagan ang mga nakahospital-based na clinical, clerkship, internship at practicum kabilang na ang gumagawa ng clinical rotations para sa mga post-graduate.

Ang mga paaralang nais mag-apply ay kailangang magpasa ng aplikasyon sa CHED Regional Office sa kani-kanilang lugar.

Facebook Comments