Guidelines sa paggamit ng AstraZeneca, inaasahang ilalabas ngayong Abril o Mayo

Inaasahang ilalabas na ng Department of Health (DOH) ang guidelines o mga panuntunan sa paggamit ng AstraZeneca bago magtapos ang Abril o sa Mayo.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Dir. Gen. Usec. Eric Domingo, maaring mailabas ng DOH ang bagong guidelines bago ang pagdating ng panibagong batch ng AstraZeneca vaccines sa pamamagitan ng COVAX facility.

Kabilang aniya sa panuntunan na ilalabas ay kung anong mga sensyales ang dapat bantayan sa mga mababakunahan ng AstraZeneca.


Giit ni Domingo, hanggang walang bagong guidelines mula sa DOH ay hindi maipapagpatuloy ang pagtuturok ng AstraZeneca sa bansa.

“Ang tingin po kasi natin, baka ang dating po ng next batch natin ng AstraZeneca is towards the end of April or early May, ito po ay manggagaling sa COVAX. So definitely ginagawa na po ng DOH iyong guidelines ngayon at ilalabas po iyon bago dumating iyong ating bagong batch ng ating AstraZeneca vaccines,” ani Domingo.

Una nang inirekomenda ng FDA ang paggamit ng mga naturang bakuna dahil mas lamang ang benepisyo idudulot nito kumpara sa mga sinasabing serious adverse reactions.

Magugunitng pansamantang itinigil sa bansa ang paggamit ng AstraZeneca vaccines sa mga may edad 6 pababa dahil sa mga ulat na nagdudulot ito ng pamumuo ng dugo.

Facebook Comments