Guidelines sa paggamit ng body cameras, inilabas ng PDEA

Manila, Philippines – Naglabas ng guidelines ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa paggamit ng body cameras sa panahon ng anti-illegal drug operations.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, lahat ng miyembro ng media na magko-cover na sa anti-drug operations ay pagsusuutin ng body camera para sa high-impact operations.

Lahat ng media representatives ay magsuot din ng bullet proof vest, ballistic helmets at iba pang protective gears para matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad.


Papayagan ang Media na makakuha ng actual footage ng anti-drug operations at papasukin sa sa target areas kasama ng operating units.

Ibibigay sa Ground Commander ang body cameras pagkatapos ng anti-drug operation.

Facebook Comments