Guidelines sa paggamit ng Dengvaxia, kailangan mailahad sa publiko sakaling tuluyan nang alisin ang suspensyon sa paggamit nito

Iginiit ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na mahalagang magkaroon ng guidelines sa sandaling muling payagan ang paggamit ng Dengvaxia vaccine.

Ito ay harap ng nakikitang pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa.

Paliwanag ni Solante na sa pamamagitan ng guidelines ay mailalahad sa publiko ang benepisyo at kahalagahan ng bakuna lalo na para sa populasyon na nasa kategoryang high risk na tamaan ng sakit at high risk na madala sa pagamutan.


Maipapaalam din ang guidelines ng kahalagahan sa pagsugpo ng Dengue virus infection.

Matatandaang una nang sinabi ng eksperto na panahon nang muling irekonsidera ng gobyerno ang pagpapatuloy at paggamit ng Dengvaxia lalo na’t ang ibang mga bansa naman gaya ng Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia ay gumagamit ng nasabing bakuna kontra dengue.

Facebook Comments