Guidelines sa paggamit ng re-enacted budget ipamimigay sa mga tanggapan ng pamahalaan

Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na maglalatag sila ng mga panuntunan para sa paggamit ng re-enacted budget habang hindi naipapasa ang 2019 National budget.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ngayong linggo ay ipadadala ang kanilang ginawang guidelines sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan para maging gabay ng mga ito sa paggamit ng tama sa pondo ng taumbayan.

Sinabi ni Diokno na walang ibang opsyon ang administrasyong Duterte kundi gamitin ang pondo na inilaan ng 2018 national budget dahil nabigo ang Kongreso sa pagpapatibay ng 2019 proposed national budget na nagkakahalaga ng 3.757 trillion pesos.


Umaasa din naman si Diokno na hindi din magtatagal ang paggamit ng re-enacted budget dahil nangako naman ang dalawang kapulungan ng Kongreso na pagtitibayin ang 2019 budget sa oras na magbalik sesyon ang Kongreso sa ikalawang linggo ng Enero ngayong taon.

Facebook Comments