Guidelines sa pagpapatupad ng body-worn cameras sa mga pulis, inilabas na ng Korte Suprema

Inilabas na ng Korte Suprema ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng body-worn cameras sa arresting officers ng Philippine National Police (PNP).

Layon nito na makapag-record ng video at audio sa tuwing magsisilbi ang mga pulis ng arrest warrant at search warrant.

Kasunod ito ng pagtaas ng insidente ng patayan sa tuwing nagsisilbi ang mga pulis ng warrant.


Sa pamamagitan din ng pagsusuot ng mga pulis ng body-worn cameras, matitiyak ang fundamental rights ng mga subject ng operasyon at maging ng mga otoridad.

Una rito, umapela sa Korte Suprema ang ilang mga abogado at human rights advocates para sa pag-review sa proseso ng pagsisilbi ng search warrants.

Ilang beses ding nag-courtesy call sa mga mahistrado ng Korte Suprema ang mga opisyal ng PNP para talakayin ang pagpapatupad ng body-worn cameras sa mga pulis sa tuwing may operasyon.

Facebook Comments