Isinasapinal na ng Department of Health (DOH) ang mga guidelines sa pagsusuot ng personal protective equipment o PPE.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mayroong tamang pamamaraan ng pagsusuot ng PPEs depende sa sitwasyon.
Kasama rin, aniya, sa guidelines kung anong uri ng PPE ang kailangang gamitin sa mga triage areas o sa contact tracing, maging sa pag-transport sa suspected o confirmed COVID-19 patients.
Pagtitiyak ni Vergeire, ang kanilang ilalabas na guidelines ay alinsunod sa guidelines ng World Health Organization (WHO) at ng mga medical expertise.
Nilinaw naman ni Vergeire na hindi pwedeng gamiting quarantine facilities ang mga barangay health center dahil mayroon silang sinusunod na mga protocol hinggil rito.
Facebook Comments