Guidelines sa pamamahagi ng ayuda sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ, inilabas na ng DILG

Inilabas na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang guidelines sa pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Batay sa memorandum ng DILG, maaari nang simulan ng Local Government Units (LGUs) ang pagbibigay ng ayuda ngayong linggo o kapag natapos na ang mga kinakailangang proseso.

Habang kabilang sa mga dapat makatanggap ay ang mga mahihirap na pamilyang tinukoy ng LGUs na naninirahan pansamantala o permanente sa mga apektadong lugar.


15 araw din ang ibinigay ng DILG sa LGUs para ipamahagi ang mga ayuda habang kinakailangan ding bumuo ng grievance committee para sa mga maghahain ng reklamo.

Samantala, tutulong ang Philippine National Police (PNP) sa magiging seguridad sa distribusyon ng ayuda.

Facebook Comments