Guidelines sa pamamahagi ng “Kalinga kits,” inaayos na ng DOH

Inaayos na ng Department of Health (DOH) ang panuntunan sa pamamahagi ng “COVID-19 home kits” o “Kalinga kit” sa gitna ng tumataas na kaso sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bumubuo na sila ng advisory at guidelines para sa pamamahagi ng mga home care kit.

Aniya, ang bawat test kit ay maglalaman ng mga sumusunod:


1 banig ng paracetamol
1 banig ng vitamin c
1 banig ng carbocistein
2 packs ng face masks
2 sabon
alcogel
disinfectant spray
1 tips sheet

Pinayuhan naman ni Vergeire ang mga indibidwal na nagho-home quarantine na i-check ang kanilang temperatura kada apat na oras.

Kung ito ay lagpas 37.5 degrees celsius, maaaring uminom ng paracetamol.

Dapat din aniyang siguraduhing maayos ang daloy ng hangin sa bahay at huwag magdamit o kumot nang makapal.

Mas maigi ring maligo araw-araw kung kakayanin at uminom ng maraming tubig o fresh fruit juices.

Kung inuubo, siguraduhing inumin ang niresetang gamot ng doktor o uminom ng salabat o tsaa at magmumog ng maligamgam na tubig na may asin.

Facebook Comments