MANILA – Inilabas na ng malakanyang ang guidelines sa proklamasyon para sa State of National Emergency on Account of Lawless Violence.Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na walang suspensyon ng mga karapatan ng mamamayan, walang warrantless arrest at walang curfew sa proklamasyon.Nakikiiusap lamang anya ang pamahalaan sa publiko na makipagtungan para mapigilan ang ibat-ibang grupo na planong maghasik ng kaguluhan at karahasan.Sa mga itatalagang checkpoints, sinabi ng opisyal na walang malalabag na karapatan.Nakapaloob sa proklamasyon ang kautusan sa Department of National Defense at DILG na agarang magpakalat ng mga sundalo at pulis sa mga matataong lugar tulad ng mga malls at train stations.
Facebook Comments