Myanmar – Hinatulan ng pitong taong pagkakakulong ang dalawang Reuters journalist sa Myanmar.
Ayon kay Northern District Judge Ye Lwin, ang mga journalist na sina Wa Lone, 32-anyos at Kyaw Soe Oo, 28-anyos ay napatunayang guilty sa paglabag sa colonial-era official secrets act matapos nitong kolektahin at kunin ang mga confidential na dokumento.
Ang desisyon ay kasunod ng pag-pressure sa gobyerno ni State Counsellor Aung San Suu Kyi dahil sa ikinasang security crackdown bunsod ng pag-atake sa Rohingya Muslim Insurgents sa security forces sa Rakhine State noong August 2017.
Dahil dito, aabot sa higit 700,000 stateless Rohingya Muslims ang tumakas patungong Bangladesh.
Facebook Comments