GUILTY | Anim na pulis sa Bacolod City, haharap sa suspension matapos mahuling natutulog sa duty

Bacolod – Haharap sa 15-araw na suspension ang anim na pulis sa Bacolod matapos na mahuli na natutulog sa kanilang duty.

Ayun kay Bacolod City Police Office Spokesperson Pcinsp. Armelyn Vargas , nahuli sa akto ng officer of the day ng BCPO ang anim na natutulog sa police station 10 noong Marso 2017.

Sa pre-charge investigation ng BCPO, napatunayan ang mga ito na guilty sa grave neglect of duty.


Kaagad namang nag-file ng motion for reconsideration sa suspension laban sa kanila.

Facebook Comments