GUILTY | Caloocan RTC, naglabas ng commitment order laban sa mga pulis na sangkot sa Kian slay

Manila, Philippines – Naglabas na ng commitment order ang Caloocan Regional Trial Court laban sa tatlong pulis na nakapatay kay Kian Delos Santos.

Batay sa kautusan ni Judge Rodolfo Azusena, pinalilipat nito sa New Bilibid Prison (NBP) sina PO1 Jeremias Pereda, PO1 Jerwin Cruz at PO3 Arnel Oares.

Matatandaang hinatulan ng guilty ang tatlo at binigyan ng parusang reclusion perpetua o panghabang buhay na pagkakakulong.


Facebook Comments