GUILTY | Cedric Lee at Deniece Cornejo, hinatulan ng guilty sa kasong grave coercion

Hinatulang guilty ng Taguig City Metropolitan Trial Court ang negosyanteng si Cedric Lee at ang modelong si Deniece Cornejo sa kasong grave coercion na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro.

Ito ay kaugnay sa insidente ng pambubugbog ng grupo ni Lee sa actor noong January 22, 2014

Kasama rin sa hinatulang guilty ni Judge Bernard Pineda Bernal si Jed Fernandez habang pinawalang-sala ang kapatid ni Cedric na si Bernice Lee.


Masaya si Navarro sa desisyon ng Taguig City Metropolitan Trial Court na guilty

Ayon kay Atty. Alma Mallonga, abogado si Vhong, masaya ang kaniyang kliyente na kasalukuyang nasa Amerika nang malaman ang desisyon ng korte.

Una nang ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong rape at attempted rape na isinampa ni Deniece laban kay Vhong dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya.

Patuloy naman ang pagdinig sa hiwalay na kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong laban kina Cedric, Deniece, Jed, at Berniece.

Facebook Comments