GUILTY | Cedric Lee, hinatulang guilty sa kasong kidnapping sa kanilang anak ng aktres na si Vina Morales

Manila, Philippines – Hinatulang guilty si Cedric Lee sa kasong kidnapping sa kanilang anak ng aktres na si Vina Morales.

Nilabag daw kasi ni Lee ang court ruling na may kaugnay sa visitation rights nito sa anak nila ni Vina na si Ceana.

Base sa resolusyon ng Mandaluyong City RTC Branch 277, sinadya ng negosyante na isama nito nang walang paalam sa aktres ang sariling anak.


Dahil dito, pinagmumulta ng Korte si Cedric, maliban pa sa moral at nominal damages na nagkakahalaga ng P50,000.00.

Mistulang nabunutan naman ng tinik si Vina dahil sa natapos na ang kaso laban sa dating kinakasama nito.

Facebook Comments