Manila, Philippines – Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang desisyon ng Sandiganbayan na guilty si dating unang ginang Imelda Marcos guilty sa pitong graft charges.
Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline de Guia, bagaman at masyado nang delayed, maituturing pa rin na tagumpay ito para sa sambayanang Pilipino partikular ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng martial law.
Aniya, mahalaga na lumabas ang katotohanan upang mapanagot ang mga Marcos sa kanilang mga krimen.
Magpapatuloy aniya ang CHR na magbabantay sa proseso ng paghahanap ng hustisya sa mga biktima ng pang-aapi.
Facebook Comments