GUILTY | Grupong Karapatan, ikinatuwa ang hatol kay Palparan

Welcome development na maituturing ng human rights defender group na Karapatan ang hatol na guilty sa kasong kidnapping and serious illegal detention laban kay dating Army Major General Jovito Palparan Jr., hinggil sa pagkawala ng dalawang University of the Philippines students na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan.

Ayon kay Karapatan Deputy Secretary General Roneo Clamor, ikinatuwa nila ang naging desisyon ng Malolos RTC dahil makalipas ang ilang taon ay naigawad na ang hustisya sa dalawang UP students.

Pero nababahala din ang grupo dahil nasa pwesto ngayon si dating pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na dating commander-in-chief ni Palparan.


Nangangamba ang Karapatan na dahil sa pagkakaibigan ni Arroyo at Pangulong Rodrigo Duterte ay mapalaya si Palparan na tinaguriang “The Butcher”.

Sa datos ng grupo maliban sa dalawang aktibistang estudyante si Palparan din ang responsable sa pagpatay ng regional coordinator ng karapatan sa Southern Tagalog at iba pang indibidwal na malayang nagpapahayag ng pagpuna at kritiko ng rehimeng Arroyo.

Facebook Comments