Manila, Philippines – Kahit hinatulan nang guilty ng Sandiganbayan malabo pa rin umanong makulong si dating first lady at incumbent Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.
Sabi ni dating Bayan Muna Representative Neri Colmenares, na isa rin sa mga biktima ng human rights violations noong panahon ng martial law – bukod na magagaling ang mga abogado ng kongresista, marami rin daw itong pera para pahabain ang kaso.
Kung inabot ng ilang dekada sa Sandiganbayan, hindi rin malayong abutin ng ganito katagal bago maresolba ang apela ng akusado.
Pero giit ni Colmenares – hindi pwedeng idahilan ni Marcos ang kanyang edad o katandaan para hindi makulong gayong tatakbo pa nga siyang gobernador ng Ilocos Norte.
Facebook Comments