GUILTY | Imelda Marcos, pinagpapaliwanag sa hindi pagsipot sa promulgation ng kaniyang mga kaso

Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Sandiganbayan 5th division si dating First Lady Imelda Marcos kung bakit hindi siya nakadalo sa promulgation ng kanyang kaso.

Ayon kay Assistant Special Prosecutor Ryan Quilala, sa simula pa lamang ay hindi na nagpakita ng kooperasyon ang kampo ng dating unang ginang.

Hindi aniya sinagot ni Mrs. Marcos ang alegasyon.


Guilty ang ibinabang hatol laban sa dating unang ginang sa 7 mula sa 10 bilang ng kasong graft na kanyang kinakaharap sa anti-graft court.

Ang 10 counts o bilang ng kasong graft ay isinampa noong 1991 laban sa kanya na nag-ugat sa alegasyon na bumuo siya ng pribadong foundations sa Switzerland mula 1978 hanggang 1984 .

Ginawa niya ito habang siya ang governor noon ng Metro Manila.

Base sa desisyon ng Sandiganbayan, napatunayan ng prosecution na mayroon siyang financial interest sa ilang private enterprises na paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon naman kay Assistant Special Prosecutor Ryan Quilala, hindi pa naman otomatikong makulong si Mrs. Marcos dahil maaari pa naman siyang umapela sa Korte Suprema.

Paliwanag pa nito na tumagal ang pagdinig sa mga kaso ang dahil karamihan sa mga testigo ay patay na.

Facebook Comments