GUILTY | Palparan, nananatili pa rin sa kustodiya ng AFP – paglilinaw ng DOJ

Manila, Philippines – Binawi ng Department of Justice (DOJ) ang nauna nitong pahayag na nailipat na ng New Bilibid Prisons (NBP) si retired Army Major General Jovito Palparan.

Ito ang binigyang linaw ni DOJ Secretary Menardo Guevarra.

Ayon kay Guevarra, na nasa kustodiya pa rin ng AFP si Palparan kahit naglabas na ng utos ang Malolos Regional Trial Court na ilipat na siya sa Bilibid.


Pinarusahan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong si Palparan matapos mahatulang guilty sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa dalawang estudyante ng U.P. noong 2006.

Facebook Comments