GUILTY | Palparan, posibleng makulong sa maximum security compound ng Bilibid

Posibleng makulong sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons (NBP) si retired Army Major General Jovito Palparan.

Ito ay matapos mapatunayang nagkasala si Palparan sa kasong kidnapping at serious illegal detention hinggil sa pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP) noong 2006.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Chief Ronald Dela Rosa, gugugulin muna ni Palparan ang 60 araw sa reception diagnostic center ng Bilibid.


Sa ilalim ng 60-day period, si Palparan ay sasailalim sa mandatory quarantine at medical examination para malaman ang estado ng kanyang physical at mental capability.

Ani Dela Rosa – pagkatapos ng 60 araw ay ililipat na siya sa maximum security compound lalo at reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang kanyang sentensya.

Facebook Comments