GUILTY | PNP nirerespeto ang naging desisyon ng korte kaugnay ng Kian Delos Santos case

Manila, Philippines – Nirerespeto ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang naging desisyon ng korte sa kaso ng pagpatay ng 3 pulis Caloocan sa menor de edad na si Kian Delos Santos.

Batay sa inilabas na desisyon ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 125 napatunayang guilty sa pagpatay kay Kian Delos Santos sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda and PO1 Jerwin Cruz noong August 2017.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Superintendent Benigno Durana, patunay ang desisyong ito na gumagana ang judicial system sa bansa.


Nilinaw naman ni Durana na walang kinalaman ang kanilang war on drugs sa pagpatay ng tatlong pulis kay Kian Delos Santos ito ay kahit na drug operation ang ginagawa ng mga pulis noon ng mapatay nila si Kian Delos Santos.

Paalala naman ng pamunuan ng PNP na sa kanilang hanay na maging maingat sa pagsasagawa ng anumang police operations.

Tinitiyak naman ni Durana na hindi titigil ang kanilang mga operasyon dahil lamang sa kasong ito.

Facebook Comments