Nabigyan ng hustisya ang mga menor de edad na katutubo.
Ito ay makaraang hatulang guilty ng korte sa Davao del Norte sina dating Bayan Muna Party-list Rep. Satur Ocampo, Act Teachers Party-list Rep. France Castro at 11 iba pa dahil sa kasong child trafficking.
Ayon kay Phil. Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, itinuturing nilang landmark decision ang guilty verdict laban sa mga ito na nagbibigay hustisya sa mga katutubong bata ng Talaingod at iba pang kabataan na biktima ng manipulasyon ng mga makakaliwang grupo.
Sinabi ni Dema-ala na patuloy ang dedikasyon ng pamahalaan na pangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino, partikular ang mga kabilang sa vulnerable sector na target ng mga mapanlinlang na paniniwala.
Ang kaso ay nag-ugat sa iligal na pagtangay ng mga suspek sa 14 na batang katutubo sa Talaingod, Davao del Norte na pinalabas na bahagi ng umano ng kanilang rescue mission.