Guilty verdict ng Makati RTC kay Deguito, makatutulong para mapabilis ang pagbawi ng Bangladesh sa ninakaw na 81-million US dollars

Manila, Philippines – Naniniwala ang anti-money laundering council na malaking tulong ang guilty verdict ng korte laban kay dating RCBC Branch Manager Maia Deguito para mapabilis ang pagbawi ng bangladesh central bank sa ninakaw na $81-million.

Ayon sa AMLC, bagamat iba ang naging proseso sa kasong money laundering ng hinatulan ay maaari itong batayan para pagtibayin ang civil forfeiture case na nagpapabawi sa hindi pa naibabalik na halaga mula sa ninakaw na milyones.

Nitong Huwebes nang hatulang guilty ng Makati City Regional Trial Court Branch 149 si Deguito para sa walong counts ng kaso nito.


Hindi nakumbinsi si RTC Judge Cesar Untalan sa salaysay ni Deguito na wala siyang kinalaman sa pagpasok ng nakaw na pondo sa Jupiter St. Branch ng RCBC noong siya pa ang manager nito.

Dahil dito nahaharap siya sa sintensyang 50 taong pagkakakulong at multang higit $100-milyon.

Nauna ng ibinalik ng dating akusado at casino junket operator na si Kim Wong ang $15-milyon na parte ng pondong ipinuslit.

Facebook Comments