Guilty verdict ng Sandiganbayan kay Janet Napoles, inapela

Manila, Philippines – Naghain ng apela sa sandiganbayan si Janet Lim Napoles matapos mahatulang guilty sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Iginiit ni Napoles sa kanyang motion for reconsideration na kasama dapat siyang naabswelto sa kasong pandarambong gaya ni dating Senador Bong Revilla Jr.

Kasabay nito, ibinasura ng Sandiganbayan ang hiling ni Napoles na manatili siya sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.


Base sa desisyon, nabigo si Napoles na patunayang may banta sa kanyang buhay kung ililipat siya sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.

Bukod kay Napoles, naghain din ng notice to appeal conviction ang dating aide ni Revilla na si Richard Cambe.

Facebook Comments