Guimbal, Iloilo Mayor Garin, inalisan ng deputation authority

Tinanggalan na ng deputation authority o kontrol sa mga lokal na pulis si Guimbal, Iloilo Mayor Oscar Garin.

Matatandaang nasangkot ang alkalde sa pananakit at panunutok ng baril kay PO3 Federico Macaya.

Ayon sa National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairperson, Atty. Rogelio Casurao – ang regional director muna ang magbibigay ng mga kautusan at mamamahala sa mga aktibidad ng pulisya sa bayan.


Bagaman at maaring umapela si Garin, immediately executory o agad nang ipatutupad ang pasya ng NAPOLCOM.

Nahaharap ang mag-amang Garin sa patung-patong na kaso.

Ang criminal charges ay: direct assault, grave coercion, grave threat, physical injuries, slander, alarm and scandal, serious illegal detention.

Ang administrative charges naman ay: grave misconduct, conduct of unbecoming of a public official, oppression, abuse of authority, conduct prejudicial to the best interest of the public.

Facebook Comments