Guinelines sa ipatutupad na restriction sa land, domestic air, at domestic sea travels sa national capital region – inilabas ng DOTR

Inilabas na ng department of transportation ang guidelines sa ipatutupad na restriction sa land, domestic air, at domestic sea travels sa national capital region sa gitna ng banta ng COVID-19.

Sa pressconference ng DOTR – nilinaw ng lto sa inilabas na guidelines sa land travel na ang lahat ng taxis, tnvs, kabilang na ang airport taxis ay kinakailangang hindi hihigit sa 4 lang ang kanilang pasahero kabilang na ang driver.

Mahigpit din na ipapatupad ang one seat apart para sa social distancing ng mga pasahero.


Anim na pasahero naman kabilang na ang driver ang ipapatupad sa mga uv express at magkakaroon ng one-seat apart.

Hindi papayagan ang mga lumang unit ng pujs na magsakay ng mga pasahero na higit kalahati ng kanilang regular capacity, kabilang na ang driver.

Para sa mga bus, 25 pasahero lang kasama na ang driver at konduktor ang papayagan habang bawal na ang standing passengers.

Sinuspende na rin ng DOTR ang motorcycle taxi’s pilot testing, maging ang operasyon ng Alabang-Calamba PNR dahil sa community quarantine.

Mahigpit rin na ipagpapabawal ang pagpasok ng mga nakitaan ng sintomas ng COVID-19 sa lahat ng terminals.

Mahigpit din na ipagbabawal ang pagpasok sa metro manila ng mga provincial vehicles.

Babawasan naman ng 25% ang capacity at ipapatupad ang social distancing sa MRT.

Sa domestic air, kanselado ang lahat ng domestic flights sa kasagsagan ng community quarantine, maliban lamang sa cargo flights, air ambulance, government supplies, government military flights at weather flights.

Sa maritime sector, patuloy ang pagpapatupad ng precautionary measures tuland ng one-meter social distancing at passenger screening sa pantalan.

Ang mga tripulante ng mga cargo vessel na mula sa mga bansang apektado ng COVID-19 ay sasailalim pa rin sa quarantine at hindi papayagang bumaba ng barko.

Patuloy ang operation ng ferry service sa ncr pero ang mga barko na bumibyahe sa NCR ay hindi papayagang dumaong sa labas ng NCR.

Facebook Comments