GUINESS WORLD RECORD | Isang binatilyo sa China, nagawang ma-solve ang tatlong rubik’s cube habang nagja-juggling

China – Siguradong mamamangha sa talento at galing ng isang 13-anyos na binatilyo mula sa China sa kakaibang pag-solve nito ng rubik’s cube.

Nagawa ng binatilyong si Que Jianyu na ma-solve ang tatlong rubik’s cube habang nag ja-juggling kung saan natapos niya ito sa loob ng 5 minutes at 6.61 seconds.

Mas lalo pang namangha ang mga nanoood sa record breaking attempt ni Jianyu dahil sa bilis ng kaniyang mga kamay at timing lalo na nang mag bangaan sa ere ang mga rubik’s cube.


Dahil dito, nakuha ni Jianyu ang record sa “fastest time to solve three rubik’s cubes while juggling” at laking tuwa naman nito dahil nag bunga ang ginawa niyang pag-eensayo sa loob ng dalawang taon.

Facebook Comments