Georgia – Isang record breaking at breathtaking event ang ipinamalas ngayon ng isang 18-anyos na binata sa Gino Paradise Aqua Park Tbilisi, Georgia.
Nabatid kasi na nagawang ma-solve ng binatang si Vako Marchelasvili na ma-solve ang anim na rubik’s cube sa loob ng 1 minute and 44 seconds.
Pero ang klasik nito, na-solve niya ito habang nasa ilalim ng tubig kung saan nakabababad siya sa loob ng tanke ng tubig na gawa sa salamin.
Dahil dito ay nakuha niya ang Guinness World Record na “fastest man to solve rubik’s cube underwater in single breath” at nahigitan niya ang record ni Anthony Brooks ng New Jersey noong Agosto 2014 na nagawang ma-solve ang limang cubes.
Ayon kay Vako, mahigit anim na buwan daw siyang nagsanay at ilang oras din ang kaniyang ginugol para makuha ang nasabing record.