GUINNESS | Ecuador, target ang world record sa paggawa ng pyramid sa pamamagitan ng rose

Ecuador – Target ng mamamayan ng Tabacundo Ecuador na makapasok sa Guinness Book of World Records sa pagkakaroon ng pyramid na itinayo sa pamamagitan ng kalahating milyong rosas.

Ibinase sa sinaunang istruktura na matatagpuan din sa Ecuador ang disenyo ng pyramid rose.

Bukod sa pagsungkit sa world record, umaasa rin ang mga taga-Tabacundo na pagmumulan ng turismo sa kanilang lugar ang itinayo nilang pyramid.


Layunin din nila na pagtitibayin nito ang industriya ng bulaklak sa Ecuador na pangatlo sa pinakamalaking exporter sa buong mundo.

Sa ngayon ay hawak ng Dubai ang world record para sa pinakamalaking flower arrangement sa mundo nang gawin ang life-sized sculpture ng isang eroplano noong 2016.

Facebook Comments