GUINNESS | Magsasaka sa Colorado, hinahangaan matapos makasungkit ng panibagong world record

Colorado – Isang magsasaka mula sa Colorado ang hinahangaan ngayon matapos siyang makasama sa listahan ng Guinness World Record.

Nagawa ng magsasakang si Tate Mesbergen na tabasan ang mga halamang alfalfa na may lawak na 348.67 acres sa loob lamang ng walong oras.

Tinalo nito ang dating record ng isang lalaki sa Poland kung saan nagawa niyang tabasan ang mga halamang alfalfa na may lawak na 243 acres sa loob idn ng walong oras.


Sinasabing umabot pa si Tate ng pagtatabas sa lupain ng kaniyang kapitbahay na may mga halamang alfalfa kaya at hindi niya akalain na malalagpasan nito ang record.

Facebook Comments