GUINNESS WORLD RECORD | Dambuhalang cinnamon roll, tampok sa selebrasyon ng cinnamon roll day sa Amerika

America – Paboritong breakfast o dessert sa North America ang cinnamon roll.

Kaya kasabay ng selebrasyon ng cinnamon roll day noong April 10, isang dambuhalang cinnamon ang ginawa ng American bakery na Wolferman’s Gourmet baked goods.

At ang giant cinnamon roll, may timbang lang naman na 1, 149.7 pounds o mahigit 521 kilo.


Dahil dito, na-break pa nila ang kasalukuyang Guinness record para sa pinakamalaking cinnamon roll sa buong mundo.

Matapos ang selebrasyon, ipinagbili nila ang kada slice nito sa napakamurang halaga lang habang ang iba ay ibinigay sa Teresa McCormick center, isang local community resource na nagbibigay ng libreng edukasyon at tulong sa mga kapus-palad.

Facebook Comments