GUINNESS WORLD RECORD | Dambuhalang paper plane ibinida ng Massachusetts Museum

Massachusetts – Target ng isang museum sa Massachusetts na mabasag ang record sa Guinness para sa pinakamalaking eroplanong papel sa buong mundo.

Ang titulo ay kasalukuyang hawak ng mga estudyante at guro ng Braunschweig Institute of Technology sa Germany mula pa noong 2013.

Kahapon naman nang ibida ng revolving museum sa Fitchburg, sa ilalim ng “project soar” ang kanilang dambuhalang paper plane na binuhat pa ng crane papunta sa Fitchburg Municipal Airport.


May sukat ito na 64-foot-long at bigat na 1,500 pounds!

Ayon kay Project Soar Leader at Local Artist Jerry Beck, apat na taon ginawa ang eroplanong papel na pinagtulungan ng mahigit 4, 500 na tao.

Inilarawan niya ito bilang “Beautiful Montage of Artwork from All Ages” na paborito nang laruan ng mga taong mula edad dalawa hanggang 92-taong gulang.

Facebook Comments