GUINNESS WORLD RECORD | Isang lalaki sa Virginia, nasungkit ang record sa pinakamaraming nakain na oyster

Virginia – Siguradong solve na solve ang isang lalaki mula Virginia dahil matapos na manalo sa oyster eating contest, nakakuha pa siya ng bagong record sa Guinness world.

Nagawa ni Darron Breedon na kumain ng 480 oysters sa loob ng walong minuto sa ginanap na Oysters Festival sa New Orleans.

Tinalo nito ang defending champion na si Michelle Lesco ng Arizona na nakakain lamang ng 324 oysters.
Tila nabitin pa si Darron dahil matapos manalo ay kinain pa din nito ang natirang oysters ng kaniyang kalaban kung saan sinabi nito na kailangan daw niya kasi ng panghimagas.


Facebook Comments