GUINNESS WORLD RECORD | Isang teacher sa Wisconsin, nag-trending matapos masungkit ang titulo na most clay pots done in an hour

Wisconsin – Trending ngayon ang isang babaeng teacher sa Medford Area Senior High School sa Wisconsin matapos nitong makakuha ng Guinness world record title.

Nasungkit ni Jill Fortin ang record na most clay pots done in an hour kung saan nakagawa siya ng 261 na piraso.

Tinalo nito ang record ni Joel Cherrico ng Minnesota na nakagawa ng 159 clay pots noong March 2016.


Kwento ni Jill, nagsimula siyang gumawa ng mga clay pots makaraang i-challenge siya ng kaniyang estudyante sa pagagawa nito.

Simula noon ay na-enjoy ni Jill ang paggawa ng mga clay pots at mas lalo daw siyang ginanahang gumawa matapos na mapanood ang clay making scene sa 1990 film na “ghost” na pinagbibidahan nina Demi Moore at Patrick Swayze.

Facebook Comments