GUINNESS WORLD RECORD | Lalaki sa Canada, nagpadapo ng 100,000 bubuyog

Ontario, Canada – Nasungkit ng isang taga Canada ang bagong Guinness World Records matapos palibutan ng honey bees ang kanyang buong mukha at ulo ng isang oras.

Kinilala itong si Juan Carlos Noguez Ortiz na nagtatrabaho sa Dickey Bee Honey Farm sa Cookstown.

Na-break ni Juan Carlos ang previous record na 53 minutes para sa most time with face and head fully covered in living bees.


Ayon kay Noguez, nakadalawang attempt na siya bago nakuha ang nasabing records.

Aniya, gusto lamang niyang patunayan sa publiko na walang dapat ikatakot sa mga bubuyog.

Aabot naman sa 100,000 ang hinayaan niyang dumapo sa kanyang buong mukha at ulo.

Facebook Comments