GUINNESS WORLD RECORD | Largest human image of seashell, nasungkit ng mga beachgoers sa Florida

Florida – Ikinatuwa ngayon ng mga beachgoers sa Southern Florida ang nasungkit nilang bagong record sa Guinness World.

Nabatid na nakuha nang nasa 1,093 katao ang record sa “Largest Human Image of Seashell” kung saan isinagaw anila ito sa Fort Myers Beach kasabay ng selebrasoyn ng National Seashell Day.

Sinasabing gumamit pa ang mga opisyal ng Guinness World Record ng camera drone para makuha ang picture ng record breaking event na talaga naman korteng seashell ang itsura ng pagkaka-pwesto ng mga tao.


Tinalo nito ang dating record ng isang private company noong October 2017 kung saan nasa 855 katao ang sumali dito.

Facebook Comments