Texas – Ikinatuwa ngayon ng mga libu-libong residente ang nakuha nilang record breaking ice cream treat sa katatapos na festival sa Texas.
Nabatid kasi na na-break nila ang Guinness World Record sa pinaka-mahabang ice cream dessert kung saan aabot ito sa 4,549 foot at 3.36 inch.
Gawa ang nasabing ice cream sundae sa 500 gallons ng ice cream, 300 gallons ng chocolate at strawberry syrup, 2,000 cans ng whipped cream, 25 pounds ng sprinkles at 20,000 cherries.
Inabot ng mahigit dalawang oras ang preparasyon sa nasabing dessert at mas laong natuwa ang nasa 4,000 festival attendees dahil sila ang nagkaroon ng pagkakataon na makain ito.
Facebook Comments